^

Metro

Pumatay sa ‘pares’ vendor habambuhay kulong

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Habambuhay na pagkakulong ang iginawad na hatol ng isang huwes ng Manila Regional Trial Court (MRTC) sa isang lalaki na akusado sa pagpatay sa isang tindero ng pares sa Port Area, Maynila noong nakaraang Pebrero.

Ibinaba ni MRTC Branch 27 Judge Teresita Patrimonio-Soriaso ang hatol na ‘reclusion perpetua’ o ang pagkakakulong mula 20 hanggang 40 taon sa akusadong si Alexander Ogdamina, 38. Inatasan din siya na magbayad ng P185,000 damages sa pamilya ng kaniyang biktimang si Samson Bautista at dagdag na P10,000 para sa perang tinangay niya.

Sa rekord, Pebrero 18 nang barilin sa leeg si Bautista, 41, ng akusadong si Ogdamina nang tumangging ibigay ang kaniyang kita. Ilang araw na naratay sa pagamutan ang biktima bago tuluyang nalagutan ng buhay.

Naging viral sa social media ang kuha ng CCTV sa insidente dahilan para ipag-utos ni Manila Mayor Isko Moreno ang agarang pagdakip sa suspek na nahuli 24 na oras matapos ang kaniyang krimen.

Nang madakip ng mga tauhan ng Manila Police District, tila walang pagsisisi si Ogdamina sa ginawa.

vuukle comment

MRTC

PARES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with