Itim na Nazareno pwedeng masilayan sa teknolohiya -Yorme

Nauna nang sinabi ni Fr. Douglas Badong, vicar ng Minor Basilica ng Quiapo, na pinag-uusapan na ng kanilang komite kung paano isasagawa ang prusisyon ng Poon sa susunod na taon o kung ganap nang kakanselahin. Tiniyak niya na hindi na isasagawa ang mga tradisyunal na kaganapan sa Rizal Park.
The STAR/Edd Gumban

Sa planong pagkansela sa traslacion

MANILA, Philippines — Humingi ng pang-una­wa si Manila City Mayor Isko Moreno sa mga deboto ng Itim na Nazareno dahil sa nakatakdang kanselasyon ng Traslacion kasabay nang pagsasabi na maaari naman itong  masilayan sa pamamagitan ng teknolohiya.

Tinutukoy ng alkalde ang panonood sa misa, novena at iba pang kaganapan sa pamamagitan ng mga social media platforms kung saan ila-live ang mga ito.

Sinabi ni Moreno na hindi pa talaga maaa-ring isakripisyo ang kalusugan ng publiko kahit hanggang sa Ene­ro ng susunod na taon hangga’t wala pang bakuna na natatapos at naipamamahagi.

“There is no harm in having none for a year or two. Because there still a hundred years, 50 years, 20 years, ten years, five years... to continue to practice yung pamana, yung kustumbre at yung pamamanata,” ayon kay Moreno. 

Show comments