Itim na Nazareno pwedeng masilayan sa teknolohiya -Yorme
Sa planong pagkansela sa traslacion
MANILA, Philippines — Humingi ng pang-unawa si Manila City Mayor Isko Moreno sa mga deboto ng Itim na Nazareno dahil sa nakatakdang kanselasyon ng Traslacion kasabay nang pagsasabi na maaari naman itong masilayan sa pamamagitan ng teknolohiya.
Tinutukoy ng alkalde ang panonood sa misa, novena at iba pang kaganapan sa pamamagitan ng mga social media platforms kung saan ila-live ang mga ito.
Sinabi ni Moreno na hindi pa talaga maaa-ring isakripisyo ang kalusugan ng publiko kahit hanggang sa Enero ng susunod na taon hangga’t wala pang bakuna na natatapos at naipamamahagi.
“There is no harm in having none for a year or two. Because there still a hundred years, 50 years, 20 years, ten years, five years... to continue to practice yung pamana, yung kustumbre at yung pamamanata,” ayon kay Moreno.
Nauna nang sinabi ni Fr. Douglas Badong, vicar ng Minor Basilica ng Quiapo, na pinag-uusapan na ng kanilang komite kung paano isasagawa ang prusisyon ng Poon sa susunod na taon o kung ganap nang kakanselahin. Tiniyak niya na hindi na isasagawa ang mga tradisyunal na kaganapan sa Rizal Park.
- Latest