MANILA, Philippines — Nakatakdang buksan na rin sa publiko ang pamosong Rizal Park partikular ang lugar ng monumento ni Dr. Jose Rizal sa darating na Oktubre 5.
Ngunit dahil sa pandemya, magpapatupad pa rin ang pamunuan ng National Parks Development Committee (NPDC) ng mahihigpit na panuntunan bilang pagsunod sa ‘minimum safety standards’ ng pamahalaan sa ilalim ng umiiral na ‘general community quarantine’.
“Kasi GCQ, we’re still maintaining sana ‘yung 10 percent lang na capacity so siguro mga less than 2,000 lang muna ang ating i-allow at a given time,” ayon kay Eduardo Villalon Jr., NPDC.
Una nang binuksan sa publiko ang isang parte ng Manila Park nitong Hulyo ngunit mula alas-5 ng madaling araw hanggang alas-9 ng umaga lamang.
Ito ay para payagan ang publiko na nais mag-ehersisyo tulad ng pagdya-jogging at iba pang gawaing pisikal.