Quezon City ‘di magsasagawa ng Christmas party- Mayor Joy Belmonte

Ito ay makaraang iutos ni QC Mayor Joy Belmonte ang kanselasyon sa pagsasagawa ng Christmas party at sa halip ay ibigay ang pondong gagastusin dito para sa mga mahihirap na taga-lungsod.
Miguel de Guzman/File

Gagastusin ibibigay na lang sa mga mahihirap

QUEZON CITY, Philippines — Wala nang magaganap na Christmas party sa lahat ng opisina at departmento ng Quezon City government .

Ito ay makaraang iutos ni QC Mayor Joy Belmonte  ang kanselasyon sa  pagsasagawa ng Christmas party at sa halip ay ibigay ang pondong gagastusin dito para sa mga mahihirap na taga-lungsod.

Sa isang memorandum, sinabi ni Mayor Belmonte  na hindi maganda kung ang mga tanggapan ng city hall ay magdiriwang ng nakagawiang  mga Christmas party habang ang ibang taga-lungsod ay nakakaranas ng kahirapan dulot ng epekto ng COVID-19 pandemic.

“The money that would have been spent on office Christmas parties would do more good as donations to the underprivileged du­ring this extraordinarily difficult time in our nation’s history,”  sabi ni Belmonte.

Hiniling din ni Belmonte  sa lahat ng opisina at departamento sa QC hall na mag-adopt ng underprivileged sector tulad ng  urban poor, displaced workers, jeepney dri­vers, street vendors, indigent children,  poor senior citizens para maayudahan.

Kailangan nilang makipag-ugnayan sa City Social Services and Development Department  para masino ang mga legitimate representative ng kanilang napiling sektor  hanggang ngayong araw na ito, September  30.

Hinikayat ni ­Belmonte ang mga opisina at departamento na mag-donate para sa  sectoral representative ng sing-halaga ng pondo na nailaan para sa kanilang Christmas party  bago sumapit ang  December 23, 2020.

Sa halip na mag -Christmas parties, hi­nimok ni  Belmonte ang mga empleyado ng QC hall na ipagdiwang ang kapaskuhan sa kanilang tahanan kasama ang mga mahal sa buhay.

Show comments