Mainitin ang ulo na manager, patay sa tandem

Sa ulat ng Manila Police District-Raxa-bago Police Station 1, naganap ang pamamaril dakong alas-4:40 ng hapon sa harapan ng isang gasolinahan sa kanto ng Mel Lopez Blvd. at Pier 18, Brgy. 101, Tondo.
STAR/FIle

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang operations manager ng isang transport com­pany makaraang tambangan ng riding-in- tandem, kamakalawa ng hapon sa Tondo, Maynila.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Tondo Medical Center ang biktimang si John Patrocinio, 46, operation manager ng Power V Marine Transport Services at nakatira sa Villa Corazon Condo, 2nd Street, Brgy. 638 Concepcion Aguila Mendiola, ng naturang lungsod.

Inilarawan ang da­lawang salarin na nakasuot ng asul na jacket   at maong na pantalon na sakay ng isang asul na Nmax type scooter na walang plaka at armado ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril.

Sa ulat ng Manila Police District-Raxa-bago Police Station 1, naganap ang pamamaril dakong alas-4:40 ng hapon sa harapan ng isang gasolinahan sa kanto ng Mel Lopez Blvd. at Pier 18, Brgy. 101, Tondo.

Minamaneho ng biktima ang kaniyang maroon na Toyota Revo at nang sumapit sa naturang gasolina­han ay dinikitan ng mga salarin saka siya pinagbabaril. 

Mabilis na humarurot sa pagtakas ang mga suspect matapos ang isinagawang krimen.

Sa nakalap na ulat ng pulisya, posibleng mayroong may galit sa biktima lalo na sa trabaho dahil sa maini-ting ulo nito na agad-agad sumisigaw.

Blangko pa ang mga pulisya sa pagka­ka­kilanlan sa mga salarin at ang motibo ng pa-mamaslang. 

Sinusuri rin ngayon ng mga pulis ang CCTV camera sa bisinidad para makakuha ng impormasyon ukol sa mga gunmen.

 

Show comments