^

Metro

DILG, aprub na isara ang mga sementeryo sa Undas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
DILG, aprub na isara ang mga sementeryo sa Undas
Ayon kay Interior Se­cretary Eduardo Añohinihikayat talaga nila ang pagsasara ng mga se­menteryo para maiwasan ang pagtitipon ng mga tao roon.
Michael Varcas/File

MANILA, Philippines — Pabor si Interior Se­cretary Eduardo Año sa desisyon ng ilang lokal na pamahalaan na maipasara ang  lahat ng pribado at pampublikong sementeryo sa Undas dahil sa COVID- 19 pandemic.

Ayon kay Año hinihikayat talaga nila ang pagsasara ng mga se­menteryo para maiwasan ang pagtitipon ng mga tao roon.

Binigyang diin ng  Kalihim na maaari namang bisitahin ng mga kaanak ang puntod ng namayapa nilang kapamilya sa ibang araw.

“Just imagine the scenario where millions of people will flock to cemeteries for that,”  pahayag ni Año.

Gayunman, sinabi ng Kalihim na hindi pa lahat ng alkalde ay nagkasundo sa pagsasara ng mga sementeryo pero inaasahan na matata-lakay ang isyung ito sa  Metro Manila Council sa darating na araw ng Linggo.

Dagdag pa ni Año, may iba pang paraan sa paggunita sa tradisyon tuwing Nobyembre 1 at 2 at isa na dito aniya ang pagdarasal na lang sa bahay para sa namayapang kapamilya.

Sinabi pa nito na maaaring magkaroon ng malawakang hawa­an ng virus  sa mga sementeryo dahil milyun-milyon ang dumadagsa sa mga libingan tuwing Oktubre 31 hanggang Nobyembre 2.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with