Higit 1,000 pang traditional jeep, balik-biyahe
MANILA, Philippines — Mahigit sa 1,000 traditional jeepney sa Metro Manila ang pinayagan nang makabalik-pasada ng Land Transportation Franchising and Regulatory (LTFRB) Board simula kahapon.
Ito’y matapos na muling magbukas ng 10 ruta ang LTFRB.
Kabilang sa 10 rutang binuksan matapos ang halos anim na buwan dahil sa COVID pandemic ay ang Sangandaan-Divisoria; EDSA/North Ave. - Quezon City Hall; Marcos Ave. - Quirino Highway; Dapitan - Libertad; Divisoria - Retiro; Libertad -Washington; Baclaran - Escolta; Baclaran - QI via Mabini; Blumentritt - Libertad at Blumetritt - Vito Cruz.
Kabilang sa mga pinayagang bumiyahe ay yaong sumailalim sa pagkilatis at naisyuhan ng “certified roadworthy”.
Bukod dito, kailangan din umanong may passenger personal insurance policy ang mga pinayagang bumiyaheng traditional jeep.
Kapalit ng special permit na kailangan upang makabiyahe ay ang QR code na ibibigay sa mga operator. Ang QR code ay dapat naka-print sa papel at naka-display sa sasakyan.
Nagpaalala rin ang LTFRB na dapat na masunod sa pagbiyahe ang lahat ng pinaiiral na health and safety protocols.
- Latest