Ilang lugar sa Luzon, mawawalan ng supply ng kuryente
MANILA, Philippines — Mawawalan ng supply ng kuryente ang ilang lugar sa Luzon ngayong linggong ito bunsod na rin nang ikinasang mga pagkukumpuni ng Manila Electric Company (Meralco).
Ayon sa Meralco, sisimulan nila ang pagkukumpuni sa Setyembre 8, Martes, hanggang sa Setyembre 12, Sabado.
Nabatid na kabilang sa mga maaapektuhan nito ay ang ilang lugar sa Novaliches, Quezon City sa Setyembre 8.
Apektado rin ang Almanza Dose sa Las Piñas City at Alabang, Muntinlupa City sa Setyembre 8 at 9.
Samantala sa Setyembre 9 at 10 ay apektado ang Las Piñas City at Cainta, Rizal.
Inaasahang sa Setyembre 10 at 11 naman ay apektado ng power interruption ang ilang lugar sa Maragondon, Naic at Ternate, Cavite gayundin ang Grace Park, Caloocan City at Tondo, Manila.
Samantala, sa Setyembre 12, inaasahang mawawalan ng suplay ng kuryente sa ilang bahagi ng Dasmariñas City, Cavite.
Kaugnay nito, humihingi naman ang Meralco ng paumahin at pang-unawa sa publiko sa perwisyong posibleng dulot ng kanilang maintenance works, na ang layunin anila ay higit pang mapaghusay ang kanilang serbisyong ipinagkakaloob sa publiko.
- Latest