^

Metro

Mag-ina patay sa riding-in-tandem

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng riding-in-tandem ang isang mag-ina na da­dalo sana sa birthday party sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot sina Luz Garcia, 62 at anak na si Ferdinand, kap­wa residente ng Hernandez St. Brgy. Catmon, Malabon.

Sa inisyal report na tinanggap ni Malabon City police chief P/Col. Jessie Tamayao, naganap ang insidente bago mag-alas-6 ng gabi sa kahabaan ng Dulong Hernandez St., Brgy. Catmon.

Ipinaparada ng mag-ina ang kanilang electric bike sa harap ng isang sari-sari store para bumili ng sigarilyo nang biglang sumulpot ang isa sa mga suspek at pinaputukan ang mga biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nang makitang bu-mulagta ang mag-ina, agad na tumakas ang suspek at sumakay sa naghihintay na motorsiklo.

Sa imbestigasyon ni homicide investigators P/SSgt. Jeric Tindugan at P/SSgt. Jose Romeo Germinal II, dadalo ang mga biktima sa birthday celebration ng biyenan  ni Ferdinand.

Patuloy naman ang follow-up imbestigas-yon ng pulisya sa motibo at pagkakilanlan ng mga suspek.

vuukle comment

LUZ GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with