MANILA, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit ng isang 4-anyos na bata nang patayin matapos na gahasain ng isang menor-de-edad nlang kapitbahay sa Caloocan City.
Batay sa imbestigasyon, may takip na mga dahon ang bangkay ng biktima nang matagpuan sa likod ng isang abandonadong bahay.
Kuwento ng ama ng biktima iniwan niya ang anak Linggo ng tanghali sa playground ng kanilang compound.
Subalit alas-4 ng hapon ng balikan niya ang lugar at wala na ang anak. Sa kanyang pagtatanong isang residente ang nagsabi na isang 17-anyos na lalaki ang kumuha sa kanyang anak.
Agad na nagsagawa ng follow-up operation sina Police Maj. Allan Papa ng Caloocan police at naaresto ang suspek na lango pa sa alak.
Dito ay inamin ng menor-de-edad na suspek na ginahasa niya ang biktima at pinukpok ng dalawang beses sa ulo dahil sa pag-iyak at pagsigaw.
Sasampahan ng rape with homicide ang suspek at nakatakda rin itong sumailalim sa drug test.