^

Metro

4-anyos ginahasa, pinatay ng kapitbahay

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
4-anyos ginahasa, pinatay ng kapitbahay
Batay sa imbestigas­yon, may takip na mga dahon ang bangkay ng biktima nang matagpuan sa likod ng isang abandonadong bahay.
STAR/ File

MANILA, Philippines  — Karumal-dumal ang sinapit ng isang 4-anyos na bata nang patayin matapos na gahasain ng isang menor-de-edad nlang kapitbahay sa Caloocan City.

Batay sa imbestigas­yon,  may takip na mga dahon ang bangkay ng biktima nang matagpuan sa likod ng isang abandonadong bahay.

Kuwento ng ama ng biktima iniwan niya ang anak Linggo ng tanghali sa playground ng kanilang compound.

Subalit alas-4 ng hapon ng  balikan niya ang lugar  at wala na ang anak. Sa kanyang pagtatanong isang residente ang nagsabi na  isang 17-anyos na lalaki ang kumuha sa kanyang anak.

Agad na nagsagawa ng follow-up operation  sina Police Maj. Allan Papa ng Caloocan police at naaresto ang suspek na lango pa sa alak.

Dito ay inamin ng menor-de-edad na suspek na ginahasa niya ang biktima at pinukpok ng dalawang  beses sa ulo dahil sa pag-iyak at pagsigaw.

Sasampahan ng rape with homicide ang suspek at nakatakda rin itong sumailalim sa drug  test.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with