^

Metro

GCQ pa more, hirit ng Metro Manila mayors

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
GCQ pa more, hirit ng Metro Manila mayors
Sinabi ni Metro Manila Council (MMC) chair at Parañaque Mayor Edwin Olivarez na napagkasunduan ng 17 mayors sa ginanap nilang pulong na pinagbatayan sa kanilang rekomendasyon sa IATF na kailangang mabalanse ang ‘health’ at ‘economy’ .
Boy Santos

MANILA, Philippines  — Nagkaisa ang lahat ng alkalde ng Metro  Manila sa kanilang rekomendasyon sa Inter-Agency Task Force  for the Management of Emer­ging Infectious Diseases  na  mapalawig pa ang general community quaratine (GCQ)  sa National Capital Region (NCR).

Sinabi ni Metro Manila Council  (MMC) chair at Parañaque Mayor Edwin Olivarez  na napagkasunduan ng 17 mayors sa ginanap nilang pulong  na pinagbatayan sa kanilang rekomendasyon sa  IATF  na kailangang mabalanse ang ‘health’ at ‘economy’ .

“Ang pinagbasehan po nyan yung pagbubukas natin ng ekonomiya na dahan-dahan, na hindi pwedeng i-compromise ang ating health protocol, hirap na hirap na po ang ating mga kababayan,” ani Olivarez.

Inaasahan namang ito rin ang irerekomenda ng IATF kay Pangulong Rodrigo Duterte na magdedesisyon kung anong quarantine status ang ipatutupad ngayong Setyembre 1.

Napag-usapan din aniya, sa pulong ng MMC na paikliin na lamang ang curfew hours na mula sa alas- 8 ng gabi hanggang alas-5 ng mada­ling araw ay gagawing alas- 10 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling araw.

Patuloy din aniya ang gagawing pagpapaigting sa critical care capacity sa pamamagitan ng pagtatayo pa ng mga isolation facilities para sa may mga mild cases at suspected cases ng coronavirus diseases 2019 (COVID-19).

Itutuloy din ang pagpapatupad ng localized lockdown sa ilang lugar na matutukoy na may cluste­ring cases dahil sa pagkakahawaan.

IATF

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with