Ex-Manila Mayor Lim, inihatid na sa kanyang huling hantungan

Mula sa simbahan, mara­ming tagasuporta ang naglakad lamang para makipaglibing patungo sa Manila North Ce­metery, kung saan inieskortan ang urn ni Lim ng mga tauhan ng National Capital Region Polce Office, fire volunteers, motorcycle riders.

MANILA, Philippines — Hinatid na kahapon ng umaga sa kanyang huling hantungan ang abo ni dating Manila Mayor Alfredo S. Lim.

Mula sa Arlington Memorial Chapels kung saan pa naiburol ng ilang araw ang dating alkalde, idinaan ang convoy sa Senado, kung saan siya naging senador mula 2004 hanggang 2007; sa Legaspi Towers kung saan siya nanirahan, sa Emerald Restaurant, ang paborito niyang hang-out; sa Manila Police District (MPD) na dating Western Police District (WPD) kung saan siya nagsilbi bilang miyembro ng Integrated National Police (INP) na ngayon ay (PNP); sa Manila City Hall na nagsilbi naman siya ng apat na termino mula 1992- 1998 at mula 2007- 2013; sa National Bureau of Investigation (NBI), kung saan siya nanaging direktor noong 1989-1992, kung saan hinandugan ng Philippine flag; sa ancestral home niya sa Mabagos Street, bago sa Sto. Nino Church na para sa misa at pagbabasbas.

Mula sa simbahan, mara­ming tagasuporta ang naglakad lamang para makipaglibing patungo sa Manila North Ce­metery, kung saan inieskortan ang urn ni Lim ng mga tauhan ng National Capital Region Polce Office (NCRPO), fire volunteers, motorcycle riders.

Alas 3:00 ng hapon ang isinagawang 21-gun salute bago ipasok sa mausoleum.

Show comments