MANILA, Philippines — Timbog sa P340,000 halaga ng ilegal na ecstasy ang isang Swiss national at dalawang Pinoy sa isinagawang joint buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency –Regional Office at Southern Police District, sa Parañaque City kahapon.
Kinilala ni District Director Wilkins Villanueva ang mga suspek na sina Thomas Fritz Stucki, Carlo Ruiz Gonzales at Raymond Dragon.
Nabatid na alas- 2:50 ng madaling araw kahapon nang maaresto ang mga suspek sa Aguirre Ave., Brgy. BF Homes Parañaque City, sa pamumuno ni Jill Salamanca, hepe ng PDEA RO at NCR- Southern Distric Office.
Nasamsam sa mga suspek ang 200 tableta ng ecstasy na may katumbas na halagang P340,000; 1 unit Iphone 11 Promax, 1 unit Iphone 1, .
Matapos makuha ang impormasyon isinailalim muna sa dalawang buwang surveillance ang mga suspek bago ikinasa ang operasyon.
Nakatakdang isalang sa inquest proceedings ang tatlo sa Parañaque Prosecutor’s Office sa paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa oras na makuha na ang resulta ng swab test at drug test sa mga suspek.