^

Metro

Swiss national, 2 pa timbog sa drug ops

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Swiss national, 2 pa timbog sa drug ops
Nasamsam ng mga tauhan ng PDEA-NCR ang nasa 200 tableta ng ecstasy na nagkakahalaga ng P340,000 buhat sa tatlong naarestong suspect kabilang ang isang Swiss national sa isinasagawang anti-illegal drug operation sa Brgy. BF Homes sa Parañaque City kahapon.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Timbog sa P340,000 halaga ng ilegal na ecstasy ang isang Swiss national at dalawang Pinoy sa isinagawang joint buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency –Regional Office at Southern Police District, sa Parañaque City kahapon.

Kinilala ni District Director Wilkins Villanueva ang mga suspek na sina Thomas Fritz Stucki, Carlo Ruiz Gonzales at Raymond Dragon.

Nabatid na alas- 2:50 ng madaling araw kahapon  nang maaresto ang mga suspek sa Aguirre Ave., Brgy. BF Homes Parañaque City, sa pamumuno ni Jill Salamanca, hepe ng  PDEA RO at  NCR- Southern Distric Office.

Nasamsam sa mga suspek ang 200 tableta ng ecstasy na may katumbas na halagang P340,000; 1 unit Iphone 11 Promax, 1 unit Iphone 1, .

Matapos makuha ang impormasyon isinailalim muna sa dalawang buwang surveillance ang mga suspek bago ikinasa ang operasyon.

Nakatakdang isalang sa inquest proceedings ang tatlo sa Parañaque Prosecutor’s Office sa paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa oras na makuha na ang resulta ng swab test at drug test sa mga suspek.

ECSTACY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with