Pagsuot ng face shields sa mga pampublikong lugar, mandatory na rin sa Parañaque

Batay ito sa ipinasang City Ordinance No. 2020-99, na kailangang nakasuot ng face shield kung nasa loob ng workplace, public transportation at indoor public place, sa hurisdiksyon ng lungsod.
Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Bukod sa mga pampublikong sasakyan at sa mga empleyado at manggagawa, mandatory na rin ang pagsusuot ng face shield, bukod sa face mask sa mga pampublikong lugar sa lungsod ng Parañaque.

Batay ito sa ipinasang City Ordinance No. 2020-99, na kailangang nakasuot ng face shield kung nasa loob ng workplace, public transportation at indoor public place, sa hurisdiksyon ng lungsod.

Sa tuwing makikipag-usap o makikihalubilo sa katrabaho, kliyente o sinumang bisita ay kailangang nakasuot ng face shield at face mask.

Maaari lamang tanggalin ang face shield kung ito ay kinakailangan sa partikular na gawain sa trabaho o kinakilangan sa occupational safety and health ng mga empleyado.

May katapat na P1,000.00 multa at ka­ragdagang 8-oras na community service o 6 na oras na kulong sa unang pagkakasala; sa ikalawa ay P3,000 multa at 11 oras na community service o 9 na oras na kulong; at sa ikatlo at susunod pang pagkakasala ay P5,000 multa at 14 na oras na community service o 12 oras na kulong.

Kabilang sa nilinaw sa ordinansa na dapat ay yari sa clear plastic o acetate, madaling makakita o malinaw, full face coverage at ‘di pwede ang visor type at matibay na madaling linisin.

Ang nasabing advisory ay ipinaskil din kahapon ni Parañaque Mayor Edwin Olivarez sa kaniyang Facebook page.

Show comments