Lolo,huli sa mga armas at bala
MANILA, Philippines — Ipinaaresto ng sariling anak ang kanyang 70-anyos na ama matapos na magwala habang armado ng baril at pagbantaan ang sariling pamilya na pagpapatayin sa Pateros, Martes ng gabi.
Kalaboso na at nahaharap sa reklamong paglabag sa Republic Act 10591 o illegal possession of firearms ang suspek na si Arturo Malagkit, ng Brgy. Aguho, Pateros na nakuhanan ng mga baril at ibat-ibang uri ng bala.
Sa ulat ni P/Staff Sgt. Mark anthony Tayaban, ng Pateros Police Sub-Station 2, dakong alas -11:20 ng gabi, rumesponde ang grupo ni P/Corporal Alber Oliva kasama ang mga tauhan ng Tactical Mobile Reaction Unit (TMRU) sa tawag sa telepono ng isang Dan Mathew, anak ng suspek, hinggil sa nagaganap na pagwawala ng suspek at pagbabanta sa kanila na papatayin silang lahat sa loob kanilang bahay.
Nadatnan pa ng mga pulis ang pagwawala g suspek habang hawak pa ang isang baril.
- Latest