MANILA, Philippines — Simula sa Oktubre 2021, pagkakalooban ng Land Transportation Office (LTO) ng exclusive premium license cards ang sinumang driver na walang traffic violations sa loob ng limang taon.
Ang premium license cards ay tatagal sa 10 taon ang validity mula 2021 .
Ayon kay LTO Chief Edgar Galvante, ang pagkakaloob ng lisensiya na may 10-year validity ay alinsunod sa ipinatutupad na probisyon ng Republic Act No. 10930 na nilagdaan bilang batas noong 2017.
Nakasaad sa naturang batas na maliban sa student permits, ang lahat ng drivers’ licenses na balido ng limang taon mula sa birthdate ng licensee, maliban kung masuspinde o mapawalang bisa pero sa ilalim ng Section 26 ng batas, ang sinumang holder ng professional o nonprofessional driver’s license na walang nilalabag na batas trapiko sa ilalim ng Republic Act No. 4136 at iba pang traffic laws, rules at regulations sa loob ng five-year period ay entitled na makapag renew ng lisesiya na tatagal ng 10 taon.
Dahil dito, nagpatupad ang LTO ng bagong point system na ang drivers ay makakakuha ng demerit points sa bawat paglabag sa batas trapiko at makakakuha naman ng incentives ang mga drivers na walang huli o paglabag sa batas trapiko.
Sa ilalim ng point system, ang motorista ang makakakuha ng “demerit points” depende sa bigat ng paglabag sa batas trapiko. depending on the gravity of his or her violation. Ang mga paglabag na ito ay ibabase depende sa categories tulad ng grave - five points; less grave - three points; at light -one point.
Nilinaw ni Galvante na ang halimbawa ng grave violations ay ang pagmamaneho ng sasakyan na nasangkot sa krimen, nagmamaneho ng colorum vehicle, at nagmamaneho ng nakainom o gumamit ng bawal na gamot.
Nilinaw din nito na ang less grave o light violations na paulit ulit na ginagawa ang paglabag sa batas trapiko ay maaaring maikonsiderang grave violations.