^

Metro

10-years validity license sa mga driver na walang paglabag

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
10-years validity license sa mga driver na walang paglabag
Ang premium ­license cards ay tatagal sa 10 taon ang validity mula 2021 .
Philstar.com/Irish Lising, file

MANILA, Philippines — Simula sa Oktubre 2021, pagkakalooban ng Land Transportation Office (LTO) ng exclusive premium license cards ang sinumang driver na walang traffic violations sa loob ng limang taon.

Ang premium ­license cards ay tatagal sa 10 taon ang validity mula 2021 .

Ayon kay LTO Chief  Edgar Galvante, ang pagkakaloob ng lisensiya na may 10-year validity ay alinsunod sa ipinatutupad na probisyon ng  Republic Act No. 10930 na ni­lagdaan bilang batas noong 2017.

Nakasaad sa natu­rang batas na maliban sa  student permits, ang lahat ng drivers’ licenses na balido ng limang taon mula sa birthdate ng licensee, maliban kung masuspinde o mapawalang bisa pero sa ilalim ng  Section 26 ng batas, ang sinumang holder ng  professional o nonprofessional driver’s license  na walang nila­labag na batas trapiko sa ilalim ng Republic Act No. 4136 at iba pang  traffic laws, rules at regulations sa loob ng  five-year period  ay  entitled na makapag renew ng lisesiya na tatagal ng 10 taon.

Dahil dito, nagpatupad ang  LTO  ng bagong point system na ang drivers ay makakakuha ng demerit points  sa bawat paglabag sa batas trapiko at makakakuha naman ng incentives  ang mga drivers  na walang huli o paglabag sa batas trapiko.

Sa ilalim ng  point system, ang  moto­rista ang makakakuha ng “demerit points” depende sa bigat ng paglabag sa batas trapiko. depending on the gravity of his or her violation. Ang mga paglabag  na ito ay ibabase depende sa  categories tulad ng grave - five points; less grave - three points; at light -one point.

Nilinaw ni  Galvante na ang halimbawa ng  grave violations ay ang pagmamaneho ng sasakyan na nasangkot sa krimen,  nagmamaneho ng colorum vehicle, at nagmamaneho ng nakainom o gumamit ng bawal na gamot.

Nilinaw din nito na ang less grave o light violations  na paulit ulit na ginagawa ang paglabag sa batas trapiko ay maaaring maikonsi­derang grave violations.

LTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with