MANILA, Philippines — Nagpaalala ang Commission on Elections (COMELEC) sa publiko lalo na sa mga magpaparehistro o magre-renew na mahigpit na ipatutupad ang pagsusuot ng face shield kasama ang face mask sa pag-uumpisa ng voter’s registration sa Setyembre 1.
Nakalagay sa Facebook post ng Comelec ang polisiya na “No Face Mask and No Face Shield. No Registration” at dapat din na magdala ng sarili nilang ballpen ang mga magpaparehistro.
Maaaring magtungo sa mga tanggapan ng Comelec ang mga first time voters tuwing Martes at Sabado mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.
Isinasagawa naman ang lingguhang disinfection ng mga opisina ng ahensya tuwing Linggo at Lunes kaya isinasara muna ito.
Para hindi rin mapabilis ang rehistrasyon, inabisuhan ang publiko na mag-download muna ng kanilang application forms sa www.comelec.gov.ph pero kailangang punan o sagutan ito sa harap mismo ng Election Officer.