25K studyante mula private schools lilipat sa public iskul sa Maynila

Sabi ni Manila Mayor Isko Moreno, nakatakda na ang pamamahagi ng libreng tablets, laptops at pocket wifi units sa mga guro at estudyante sa susunod na linggo.
BW/File

‘Malugod namin kayong tinatanggap’.

MANILA, Philippines — Ito ang naging pahayag ni Manila Mayor Isko Moreno kahapon sa pagsasabing ‘welcome’ sa city of Manila  ang may 25,000 mag-aaral mula sa mga pribadong paaralan na nais lumipat sa pampublikong eskwelahan sa Maynila.

Hindi rin umano ipagkakait sa kanila ang tulong na ibinibigay sa mga mag-aaral sa lungsod.

Aniya, nakatakda na ang pamamahagi ng libreng tablets, laptops at  pocket wifi units  sa  mga guro at estudyante sa susunod na linggo.

Pamamahalaan ni Division Of City Schools head Dr. Magdalena Lim ang pamamahagi, sa tulong ng parents-teachers associations (PTAs) hanggang sa mga barangay at  sa mga magulang.

Sa pamamagitan ng mga nasabing devices ay matutulungan nito ang mga guro at mag-aaral na mapagaan ang gastos habang naghahanda sa blended distant learning.

May alokasyon din na 10GB data ang ipamamahaging sim card kada buwan.

Una nang sinabi ni Moreno  na naglaan ang pamahalaang lungsod ng mahigit P900 milyon sa pagbili ng  ‘di bababa sa 110,000 tablets at  10,000 laptops para sa pag-aaral ng Kindergarten hanggang Grade 12.

Sakaling  masira o magmalfunction  sa devices ay may sapat na service centers na nakaaksaklaw sa warranty.

Dapat aniyang, ingatan ang mga ipinahiram na ito upang magtagal at mapakinabangan pa ng mga susunod na gagamit.

Show comments