25K studyante mula private schools lilipat sa public iskul sa Maynila
‘Malugod namin kayong tinatanggap’.
MANILA, Philippines — Ito ang naging pahayag ni Manila Mayor Isko Moreno kahapon sa pagsasabing ‘welcome’ sa city of Manila ang may 25,000 mag-aaral mula sa mga pribadong paaralan na nais lumipat sa pampublikong eskwelahan sa Maynila.
Hindi rin umano ipagkakait sa kanila ang tulong na ibinibigay sa mga mag-aaral sa lungsod.
Aniya, nakatakda na ang pamamahagi ng libreng tablets, laptops at pocket wifi units sa mga guro at estudyante sa susunod na linggo.
Pamamahalaan ni Division Of City Schools head Dr. Magdalena Lim ang pamamahagi, sa tulong ng parents-teachers associations (PTAs) hanggang sa mga barangay at sa mga magulang.
Sa pamamagitan ng mga nasabing devices ay matutulungan nito ang mga guro at mag-aaral na mapagaan ang gastos habang naghahanda sa blended distant learning.
May alokasyon din na 10GB data ang ipamamahaging sim card kada buwan.
Una nang sinabi ni Moreno na naglaan ang pamahalaang lungsod ng mahigit P900 milyon sa pagbili ng ‘di bababa sa 110,000 tablets at 10,000 laptops para sa pag-aaral ng Kindergarten hanggang Grade 12.
Sakaling masira o magmalfunction sa devices ay may sapat na service centers na nakaaksaklaw sa warranty.
Dapat aniyang, ingatan ang mga ipinahiram na ito upang magtagal at mapakinabangan pa ng mga susunod na gagamit.
- Latest