^

Metro

4 negosyong nagpakilala sa Maynila bilang 'province of China' ipinasara ni Mayor Isko

James Relativo - Philstar.com
4 negosyong nagpakilala sa Maynila bilang 'province of China' ipinasara ni Mayor Isko
Makikitang pinapaskilan ng closure order ang establisyamentong ito na nagbebenta ng produktong nagpapakilala sa Maynila bilang bahagi ng Tsina, ika-20 ng Agosto, 2020
Video grab mula sa Manila Public Information Office

MANILA, Philippines (Updated 5:36 p.m.) — Pinaskilan ng mga "closure order" ng Manila local government unit (LGU) ang aabot sa apat na establisyamento sa Divisoria Mall matapos magbenta ng mga produktong nakababastos diumano sa soberanya ng Pilipinas, Huwebes.

Ang operasyon, na may basbas ni Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso, ay pinangunahan ni Manila Director of Business Permit Levy Facundo sa Binondo.

Kaugnay ito ng "misrepresentation" ng ilang stalls sa pagbebenta ng beauty products na nagsasabing probinsya ng Tsina ang kabisera ng Pilipinas. Aniya, labag ito sa ordinansa ng lungsod.

Basahin: Hair product gusto i-ban nang tawaging 'probinsya ng Tsina' ang Maynila

"Wala pong Binondo sa China. Ang Binondo po ay nasa Maynila," sabi ni Facundo.

"Hahanapan natin sila ng compliance. Closed sila ngayon. They cannot open without us lifting the closure."

BREAKING: Business establishment sa Binondo na nagpapakilalang na 'Manila, Province of China,' ipinasara ni Manila City Mayor Isko Moreno!  #AlertoManileno

Posted by Isko Moreno Domagoso on Thursday, August 20, 2020

Bukod pa riyan, wala rin daw maipakitang approval ng Food and Drug Administration ang mga nasabing negosyo. Hahanapan din ng mga karagdagang papeles at mayor's permit ang mga nasabing businesses.

"Lahat che-checkin natin... kasi baka ito'y makadisgrasya. At higit sa lahat nga... hindi ito maliit na bagay dahil po ito ay misrepresentation," sabi pa ni Facundo."

"Ang Binondo po ay nasa Maynila, wala po sa [People's] Republic of China. Hindi tayo papayag na ganyan na lang ang mangyari."

Kilala ang Binondo, Maynila na tinitirhan at pinagtratrabahuhan ng maraming Tsino. Matatandaang naninindigan ang People's Republic of China (PRC) na kanila ang ilang teritoryo sa South China Sea kahit na in-award na ang "sovereign rights" nito sa Pilipinas taong 2016. 

Basahin: The verdict: Philippines wins arbitration case vs China

Malacañang, na malapit sa Chinese president, nagsalita

Samantala, minaliit lang ng Palasyo ang naturang balita hinggil sa tila pag-angkin ng mga Tsino sa Maynila, na siyang seat of power mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

"Kalokohan yan. 'Di na pinapansin yan. Alam naman natin na ang Pilipinas ay di probinsya ng Tsina," sambit ni presidential spokesperson Harry Roque sa isang virtual briefing kanina.

Dagdag pa ni Roque, nasa FDA na ang bola kung susundin nila ang panawagan ni PBA party-list Rep. Jericho Nograles na tuluyang i-blacklist sa Pilipinas ang "Ashley Shine Keratin Treatment Deep Repair," na nag-viral kamakailan dahil sa mali-maling manufacturing address, na tila nagpapahiwatig na sinakop na ng Tsina ang Pilipinas.

Nangyayari ang lahat ng 'yan kahit dati nang nagbiro si Digong na "province of China" ang Pilipinas noong Pebrero 2018 sa harap mismo ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua.

"Ganoon na lang ang respeto ko kay [Chinese President] Xi Jinping... They assured us, they will not build anything there sa Scarborough Shoal," wika ni Digong.

"Si Xi Jinping mismo ang nagsabi, and he is a man of honor. Kaya nga ang sabi ko, 'Why are you so sparing? Gusto ninyo, gawin niyo na lang kaming province... Philippine province of China.' Oh, 'di wala na tayong problema? Libre na lahat." — may mga ulat mula kay The STAR/Alexis Romero at News5

CHINA

FRANCISCO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with