^

Metro

Tanggalan ng empleyado sa LRT-1, hindi na tuloy

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Tanggalan ng empleyado sa LRT-1, hindi na tuloy
Ito ayon sa LRMC ay makaraang manga­ko ng suporta ang Department of Transportation sa kompanya para makahanap ng solusyon na susuporta sa mga empleyado ngayong panahon ng pandemic.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Hindi na magta-tang­gal ng mga tauhan ang Light Rail Manila Corporation (LRMC) na na­ngangasiwa sa Light Rail Transit 1 (LRT-1).

Ito ayon sa  LRMC ay makaraang manga­ko ng suporta ang Department of Transportation sa kompanya para makahanap ng solusyon na susuporta sa mga empleyado ngayong panahon ng pandemic.

Una nang nagha-yag ang LRMC na mag­­ta­tanggal ng 100  empleya­do dahil sa pagbagsak ng kita dahil sa lockdown.

“While the factual basis behind the redun­dancy program remains legally valid, LRMC is putting it on hold, for now, to allow the company to recalibrate strategies and continue supporting team members and government partners as long as it can,” ayon sa LRMC.

Ayon sa LRMC, patuloy na panganga­lagaan ang kapaka­nan at kaligtasan ng kanilang mga tauhan gayundin ang pag­pa­patin­di ng ugnayan sa mga shareholders at pakikipag-usap sa pamahalaan para mapalakas ang kumpan­ya.

Ang sinasabing ta­tanggaling 100 tauhan ay pawang mga technicians at tellers o may  10 porsiyento ng LRT 1  total workforce epekti- bo September 15.

Iniulat din ng LRMC na isasailalim sa  swab test ang mga tauhan mula August 14 hanggang 19  bilang baha­gi ng paghahanda sa pagbabalik-serbisyo ng LRT 1 oras na matanggal na ang MECQ sa Metro Manila sa August 18.

LRT 1

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with