Piston jeepney drivers, walang natanggap na ayuda
MANILA, Philippines — Walang kahit anuman na natanggap na ayuda mula sa gobyerno ang mga miyembro ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationtwide (PISTON) sa loob ng limang buwan na hindi nakakapasada dahil sa ipinairal na lockdown dulot ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Mody Floranda, national president ng Piston, patuloy silang nakikipag-ugnayan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para bigyang pansin na maisama sila sa benepisyaryo ng social amelioration program ng pamahalaan para sa mga sektor na apektado ng pandemic.
Anya karamihan na ng kanilang samahan ay nagpupunta ng kalsada at namamalimos na ng tulong sa mga tao dahil hanggang ngayon ay wala man lamang silang natatanggap na cash aid o anumang ayuda mula sa pamahalaan.
Sinabi ni Floranda na nagsubmit na sila noon ng kaukulang dokumento sa DSWD sa pamamagitan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board pero dalawang beses lamang na pangako ang natanggap nila at wala pa ring ayuda.
Anya, bagamat pinayagan ng pamahalaan noong GCQ na makabalik sa pasada ang may 6,002 jeepney drivers pero kakaunting bilang lamang mula sa kanilang hanay ang nabigyang magbalik pasada pero natigil ulit dahil balik MECQ ang MMLA at karatig lalawigan. Nanlumo rin ang Piston nang sabihin sa kanila ng DSWD na magsubmit ulit ng masterlist ng mga drivers at operators para sa ayuda gayong matagal na nila itong naisubmit sa LTFRB.
- Latest