^

Metro

6 tiklo sa tupada sa gitna ng MECQ

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
6 tiklo sa tupada sa gitna ng MECQ
Sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga ng Sabado habang nag-iikot ang mga operatiba ng Taguig Police Intelligence Section sa gilid ng C6 Road, Ulingan, Purok 1, New Lower Bicutan nang kanilang madaanan ang pag-uumpukan ng mga suspek at nang lapitan ay aktuwal na naglalaban pa ang dalawang manok.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Dinakip ng pulisya ang anim katao matapos maaktuhang nagsasagawa ng ilegal na tupada o sabong ng mga manok sa gilid ng C6 Road, Bicutan Taguig City, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang mga arestadong sina John Osorio, Butch Gonzales Jr., Jan Renzo, Omar Deoiri, Cesar Alcantara at Adonis Vermug, pawang nasa hustong gulang at residente ng New Lower Bicutan, Taguig City.

Sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga ng Sabado habang nag-iikot ang mga operatiba ng Taguig Police Intelligence Section sa gilid ng C6 Road, Ulingan, Purok 1, New Lower Bicutan nang kanilang madaanan ang pag-uumpukan ng mga suspek  at nang lapitan ay aktuwal na naglalaban pa ang dalawang manok.

Agad na dinakma ang mga sabungero at nasamsam sa tupadahan ang dalawang panabong na manok na kapwa may tari at P2,000 bet money.

Nahaharap ang anim sa mga kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 (Illegal Gambling) at Republic Act 11332 (State of Public Health Emergency).

DINAKIP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with