Nabigla sa MECQ,nag-panic buying
MANILA, Philippines — Muling dinumog ang mga palengke at grocery kahapon ng umaga makaraang mag-anunsyo kamakalawa ng gabi ang Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbabalik ng modified enhanced community quarantine sa Metro Manila at karatig lalawigan nito.
Mistulang kahit saang palengke ay dumagsa ang mamimili para mag-stock ng kanilang pagkain para sa dalawang linggong MECQ.
Simula sa araw na ito ay liimitahan muli ang paglabas ng bahay ng mga residente, tanging ang mga frontliners at isa sa bawat sambahayan ang dapat na lumabas ng bahay para bumili ng kanilang pangangailangan o kung sa may emergency cases.
Kakailangan muli ang quarantine pass kasabay nang pagsuspinde sa operasyon ng mga pampublikong sasakyan.
Nagdesisyon ang Pangulo na muling ibalik sa MECQ ang Metro Manila kasama ang lalawigan ng Bulacan, Laguna ,Cavite at Rizal dahil na rin sa kahilingin ng mga medical workers.
Ito ay dahil sa patuloy at mabilis na pagtaas ng bilang ng nagkaka-COVID partikular sa National Capital Region (NCR).