^

Metro

Negosyo sa lungsod tangkilikin-Yorme

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Negosyo sa lungsod tangkilikin-Yorme
Sa live broadcast ng alkalde, inendorso niya ang binuong programa ni Bureau of Permits and License Office (BPLO) chief Levi Facundo, na tinawag na, “Buy Eat Drink Shop Support Local#BagongMaynila.”
Manila Public Information Office/Facebook

MANILA, Philippines — Nanawagan si Manila Mayor Isko Moreno  sa mga residente na tangkilikin at suportahan ang mga negosyong nakabase sa lungsod para makabangon

Sa live broadcast ng alkalde, inendorso niya ang binuong programa ni  Bureau of Permits and License Office (BPLO) chief Levi Facundo, na tinawag na,  “Buy Eat Drink Shop Support Local#BagongMaynila.”

Hinimok ni Moreno na ang mga residente na kumain, uminom at mag-shopping ng kanilang mga pangangailangan sa mga tindahan sa loob ng lungsod, bilang pagsuporta na rin kapwa Manilenyo.

Iginiit niya na ‘ charity should begin at home’ kaya kung tatangkilikin ang sariling atin, mas malaki ang makokolektang buwis at iba pang financial obligations sa mga establisyemento.

Nabatid kay Facundo, na nasa  50,000 registered business establishments ang nag-oopereyt sa lungsod.

Sa pagbubukas ng mga negosyo, malaki ang maitutulong nito sa Manila government dahil malaking bahagi na ng badyet ang nagastos laban sa problemang dulot ng pandemya.

BPLO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with