Libreng flu at pneumonia vaccines sa Makatizens
MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Makati Mayor Abby Binay ang pagsasaga-wa ng large-scale flu at pneumonia vaccination drive para sa lahat ng residente ng Makati.
“Nais naming bigyan ng extra pang proteksyon ang mga Makatizens sa pamamagitan ng libreng flu at pneumonia vaccines, lalo na sa mga vulnerable sectors, na magpapalakas sa kanilang resistensya para malabanan ang COVID-19 infection,” pahayag pa ni Mayor Abby.
Idinagdag pa ng alkalde na sa kauna-unahang pagkakataon, maaaring mag-sign up online ang mga residente para sa libreng bakuna.
“This will make the registration process more efficient for Makati healthcare service workers and keep person-to-person contact at a minimum,” dagdag pa nito.
Ipinaliwanag nito na maaaring magamit ng mga residente na may Yellow o Blue Cards ang kanilang smartphones o computers at tunguhin ang #ProudMakatizen website (proudmakatizen.com), piliin ang “Vaccination Registration”, at kumpletuhin ang easy to follow registration process. At kapag nakumpleto na ang proseso matatanggap ng isang residente ang mensahe at kung kailan siya naka-schedule para sa bakuna.
“This is another first from Makati City,” ayon sa alkalde na tumutukoy sa online registration sa bakuna.
Magugunitang ini-rerekomenda ng DOH ang flu at pneumonia vaccines para mapigilan ang kumplikasyon sanhi ng COVID-19.
Nauna nang napagkalooban ng pamahalaang lungsod ng libreng flu at pneumonia vaccine ang may 5,130 frontliners at essential workers sa lungsod.
- Latest