LISTAHAN: 17 ruta ng jeepney na balik-pasada sa Metro Manila bukas
MANILA, Philippines — Madadagdagan ng masasakyang jeep ang mga residente ng Metro Manila simula bukas, ayon sa memorandum na inilaban ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Lunes.
Ayon sa LTFRB, nasa 1,943 dagdag na tradisyunal na jeepney ang papayagang umarangkada sa Miyerkules matapos matengga nang halos limang buwan dahil sa banta ng coronavirus disease (COVID-19) sa mga pampublikong sasakyan.
Sa kabila niyan, 66,055 jeepney units pa rin ang hindi pwedeng pumasada kung pagbabatayan ang datos ng grupong PISTON. Dahil diyan, nag-aantay pa rin ng ayuda ang maraming tsuper o 'di kaya'y namamalimos simula nang mawalan ng pagkakakitaan.
Basahin: 6,002 NCR jeeps babalik bukas, malayo sa kabuuang 74,000 — PISTON
"Per Memorandum Circular (MC) 2020-029, traditional PUJs with routes indicated in the MC can ply their existing routes with NO SPECIAL PERMIT NECESSARY starting 29 July 2020," sabi ng kautusan.
"In lieu of the Special Permit, a corresponding QR Code shall be issued to the operator prior to operation, which must be printed in an 8.5” x 11” paper (short bond paper size) and displayed in the PUJ."
Maaaring makuha ng operator ang nasabing mga QR code sa website na ito simula 3 p.m. ngayong araw.
Ang 17 papayagang ruta ay ang sumusunod:
- T106 MCU - Sangandaan
- T109 Novaliches - Rizal Ave. via A. Bonifacio
- T111 Tandang Sora - Visayas Ave. via Quezon City Hall
- T112 Monumento - Paco, Obando via M.H. Del Pilar
- T114 Quirino Highway - Sta. Lucia
- T203 Crame - Cubao via Murphy
- T204 Crame - Q. Mart via P Tuazon, E. Garcia
- T214 SSS Village, Marikina - Cubao, Quezon City
- T215 Parang,Marikina - Marikina (TP) via Fortune
- T216 Guadalupe (ABC) - Taguig via Tipas
- T217 Calumpang - Cubao via P. Tuazon
- T304 Ayala - Guadalupe (Ibabaw) via JP Rizal
- T337 Libertad, Pasay - Pasay Rd.
- T341 Paco - Sta.Mesa Rtda via Nagtahan
- T342 Pier South - Sta. Ana via P. Faura
- T345 Navotas - Recto via Heroes Del 96
- T346 Gate 5 - Greenhills Shopping Center Loop
LTFRB ADDS 1,943 MORE TRADITIONAL PUJs IN 17 METRO MANILA ROUTES The Land Transportation Franchising and Regulatory...
Posted by Land Transportation Franchising and Regulatory Board - LTFRB on Sunday, July 26, 2020
Masusunod pa rin naman ang P9 kada unang apat na kilometrong pamasahe at dagdag na P1.50 kada kilometro. Dapat din daw na nakarehistrong "roadworthy" sa Land Transportation Office ang mga nasabing jeepney units na may balidong personal passenger insurance policy.
Oobligahin din ang mga operator na sumunod sa mga safety measures na itinakda ng Inter-Agency Task for Emerging Infectious Diseases bago, habang at matapos ang mga biyahe gaya ng pagtingin ng body temperature, pagsusuot ng facemask o face shield at gwantes. Hanggang 50% lang din ng kapasidad ng jeep ang maaaring punuin.
"Failure to comply with the conditions set forth by the Board will incur penalties from imposition of fines to cancellation or suspension of the Certificate of Public Convenience or Provisional Authority," paalala ng pamunuan. — James Relativo
- Latest