Tanod isasabak sa pagpapatupad ng health protocols – Eleazar
MANILA, Philippines — Nais ni Joint Task Force (JTC) COVID Shield commander P/Lt. Gen. Guillermo Eleazar, na isabak na rin sa pagpapatupad ng health protocols ang mga barangay tanod upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Ayon kay Eleazar, hindi lamang panlaban sa krimen ang dapat na binabantayan ng mga barangay tanod kundi ang implementasyon ng health protocols.
Aminado si Eleazar na hindi sapat ang bilang ng mga pulis para ikutan ang bawat eskinita sa bansa kaya malaki ang magiging ambag ng barangay officials.
Maaari umanong sawayin ng mga tanod ang mga taong labas nang labas ng bahay, mga nag-uumpukan, at mga hindi nagsusuot ng face mask.
Maaari rin umanong magdagdag ng mga ta-nod sa palengke at mga pampublikong lugar.Sa public address na inere noong umaga ng Martes, mahigpit na inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng health protocols, tulad ng pagsusuot ng face masks.
- Latest