Online based-courier, inilunsad sa Parañaque

MANILA, Philippines — Inilunsad kahapon ng Parañaque City Government ang on-line based courier at  processing services para sa mga transak­syon sa pagkuha ng permits at lisensiya bi­lang bahagi ng e-gover­nance program para makaiwas sa face-to- face transactions.

Layunin ng programang tinawag na “all-in-one” courier service  na mapigilan ang pagkalat pa ng coronavirus disease 2019.

Ani Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na mapapakinaba-ngan ang paggamit ng teknolohiya at courier service upang hindi na pisikal ang pakikipagtransaksiyon para sa government services sa panahon ng pan-demya.

“This is also part of its e-governance program to ease doing business with the local government,”  ani Olivarez sa isinagawang signing ng memo­randum of agreement (MOA) sa Keri Delivery Inc para sa programang kauna-unahang na-develop sa lokal na pamaha-la­an sa bansa. 

“The program co-vers all types of government transactions such as business permits, locational clea-rance, building permits, and other government-issued documents,” ayon kay Atty. Melanie Soriano-Malaya, hepe ng Business Permit and Licensing Office (BPLO).

Show comments