1 pang disenyo ng motorcycle barrier, aprubado- Año

Ayon kay DILG Secretary Eduardo M. Año, ang dalawang disenyo ay kabilang sa ilang mga panukalang isinumite sa NTF ay kapwa sumunod sa minimum health standards na itinakda ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.
STAR/Michael Varcas/File

MANILA, Philippines — Inanunsiyo kahapon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo M. Año na inaprubahan na rin ng National Task Force (NTF) for COVID-19, sa pamumuno ni Secretary Delfin Lorenzana, ang isa pang disenyo ng motorcycle barrier o shield na maaaring magamit ng mga back-riding couples, ka­ragdagan sa naunang disenyo ni Governor Artur Yap ng Bohol na naaprubahan noong nakaraang linggo.

Ayon kay Año, ang dalawang disenyo ay kabilang sa ilang mga panukalang isinumite sa NTF ay kapwa sumunod sa minimum health standards na itinakda ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).

Aniya, ang parehong mga barriers ay magpapanatili ng kinakailangang physical distancing sa sektor ng transportasyon.

Anang kalihim, ang pangalawang di­senyong inaprubahan ng NTF ay inihahalintulad sa isang backpack na isinusuot at binibigkis sa drayber ng motorsiklo at una nang iminungkahi ng motorcycle taxi platform na Angkas.

Ang bagong naaprubahang shield barrier aniya ay gawa sa lightweight, high-density na plastik, na nagbibigay ng road visibility na may hawakan na maaaring magamit ng backrider.

Show comments