MANILA, Philippines — Bibigyan ni Manila City Mayor Isko Moreno ng P100,000 tax credit ang bawat hotel at motel na nagpatuloy ng libre sa mga health workers ngayong panahon ng pandemya.
Ito ay makaraang pirmahan ni Domagoso ang City Ordinance No. 8646 na naglalayong bigyan ng tax relief ang mga establisimentong ito. Maaari umano itong ipatupad alinman sa lokal na buwis, regulatory fees at service fees kasama na ang mga surcharge at mga penalty.
“The herein tax cre-dit worth P100,000 may be claimed within a period of three years from the enactment of this ordinance,” ayon sa ordinansa.
Matatandaan na unang nagpalabas si Domagoso ng Executive Order No. 17 na inaatasan ang mga hotels at motels na magbigay ng libreng lodging para sa mga health workers sa lungsod para hindi na mahirapan sa pagpasok sa mga pagamutan dulot ng kakulangan ng ma-sasakyan nitong panahon ng quarantine.
Sa datos ng Bureau of Permits, higit sa 1,000 healthcare workers ang nabigyan naman ng libreng matutuluyan ma-tapos ang utos ng alkalde.