^

Metro

Traditional jeep, babalik-biyahe na!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Traditional jeep, babalik-biyahe na!
Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary Goddes Libiran, posibleng sa linggong ito ay makabalik na rin sa mga lansangan ang mga traditional jeepneys.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Papayagan na rin ng pamahalaan na bumiyahe ang mga traditional jeepneys na ‘roadworthy’ pa, sa dara­ting na Huwebes O Biyernes.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary Goddes Libiran, posibleng sa linggong ito ay makabalik na rin sa mga lansangan ang mga traditional jeepneys.

Aniya, mismong ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang nagbigay ng commitment na ito sa DOTr.

“Ang commitment po sa amin ng LTFRB ay by Thursday or Friday this week ay papayagan na pong makabiyahe ang mga roadworthy na traditional jeepneys natin,” pahayag ni Libiran.

Kasabay nito, ipinaliwanag din ni Libiran na nahu­ling naitakda ang pagbabalik operasyon ng mga traditional jeepneys, kumpara sa iba pang uri ng transportasyon upang maobserbahan ang ­usapin hinggil sa  load capacity.

Ginawa rin aniyang prayoridad ang pagbabalik operasyon ng mga public utility vehicles na may mas malaking kapasidad, sa unti-unting pagbabalik ng  mass public transportation.

Matatandaang una nang sinuspinde ng pamahalaan ang mass public transportation noong Marso dahil sa banta ng coronavirus disease 2019. 

 

JEEPNEYS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with