^

Metro

980 UV Express, balik-pasada na ngayon

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
980 UV Express, balik-pasada na ngayon
Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra, ang naturang UV Express units ay maaari nang mag-operate sa may 47 ruta, nang hindi na kinakailangan pang mag-aplay ng special permits.
STAR/ File

MANILA, Philippines  — Balik-pasada na ngayong araw ang may 980 UV Express Units na bumibiyahe papunta at palabas ng Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra, ang naturang UV Express units ay maaari nang mag-operate sa may 47 ruta, nang hindi na kinakailangan pang mag-aplay ng special permits.

Sinabi ni Delgra na ang aprubadong guidelines para sa deployment ng 980 UV Express ay alinsunod sa ‘gra­dual, calibrated at calculated approach’ ng Department of Transportation (DOTr) hinggil sa pagbabalik ng public transportation sa Metro Manila sa gitna na rin umiiral na General Community Quarantine (GCQ).

Tiniyak naman ni Delgra na hindi nila inaalis ang posibilidad na mag-deploy na rin ng karag­dagan pang modern at tradisyunal na jeepneys sa mga susunod na araw para madagdagan ang operasyon ng mga UV Express, depende sa passenger demand.

Umapela rin siya sa mga operators at drivers na istriktong tumalima sa guidelines gaya ng terminal-to-terminal, ‘no pick up’ at ‘drop off’ ng mga pasahero at hindi pagdaan o pagbagtas sa EDSA at Commonwealth Avenue, maliban na lamang kung tatawid sila rito.

Nananatili pa rin ang umiiral na UV Express fare rate na P2 per kilometer at walang taas pasahe.

Kabilang sa mga guidelines ang regular na pag-eksamin ng operator sa fitness ng driver para magtrabaho, pag-check ng body temperature nito at pag-screen sa mga sintomas ng COVID at  pagsusuot ng mga driver at konduktor ng masks at gloves sa lahat ng pagkakataon.

Ang mga commuters naman ay kinakailangan ding magsuot ng mask bago payagang sumakay sa UV Express at magbayad ng eksaktong pasahe bago pa man sumakay.

Dapat ring tiyakin na ang passenger load ay hindi lalampas sa dalawang pasahero lamang kada row at dapat na may pagitan sa pagkakaupo.

Dapat ding maglagay ang operator ng impermeable barriers sa pagitan ng driver at ng mga pasahero.

UV

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with