15 pulis, sibak sa pagpuga ng 6 na presong Chinese

Samantalang ang mga pumuga na mga Chinese na pawang mga trabahador ng POGO na nadakip din naman makalipas ang halos 24-oras ay nakilalang sin ZXhang Yi Xin, Ludon Jin Song, Song Qicheng, Lu Yinliang, Huang Yong Quiao at Chen Bin.
STAR/Edd Gumban/File

MANILA, Philippines — Sinibak sa puwesto ni QCPD directior Brig. Gen. Ronnie Montejo ang may 15 pulis buhat sa District Mobile Force Batta-lion (DMFB) makaraang makatakas ang anim na Chinese national sa detention cell sa Camp Kari­ngal noong Lunes.

Batay sa nakalap na ulat, ang mga sinibak na pulis ay nakilalang sina P/Major Adonis Escamillan, PMSG Eranio Caguiao, PSSG Alvin Macrohon, PCPL Mark Nino Canicon, PCPL Reymund Evangelio, PCPL Loreto Calzo, Patrolman Denver John Dela Cruz, PSSG Recolito Ortega III, PMSG Jaime Maala, PCPL Jocelyn Villanueva, PCPL Nelda Seno, PSSG Andres Tungcul, PSSG Karan Chomling Faragso, PCPL Gregson Budao at PCPL Mark Manuel.

Samantalang ang mga pumuga na mga Chinese na pawang mga trabahador ng POGO na nadakip din naman makalipas ang halos 24-oras ay nakilalang sin ZXhang Yi Xin, Ludon Jin Song, Song Qicheng, Lu Yinliang, Huang Yong Quiao at Chen Bin.

Nabatid na ang mga dayuhan na dumaan sa drainage na doon na rin nakorner ng mga awtoridad.

Ayon naman kay Montejo ang 15 pulis na naka­destino sa DMFB ay agad na dinisarmahan at sasailalim sa masusing imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDU).

Ayon sa ulat na natuklasan ang pagpuga ng mga dayuhan nang magsagawa ng routine headcount noong Lunes ng gabi.

“Nagsagawa ng routine headcount ang duty sentinel sa mga Chinese sa kanilang pansamantalang detention facility sa loob ng Kampo Karingal nang mapag-alamang nawawala ang anim na kasama sa 51 na may commitment order na sa kasong syndicated estafa,” pahayag pa ni Montejo.

Ang mga Chinese ay kabilang sa 342 dayuhan na nasakote ng Bureay of Immigration (BI) sa Brgy. Bago Bantay dahil sa pagtatrabaho sa bansa ng walang kaukulang permit at visas.

Show comments