^

Metro

Stranded passengers sa Pasay, 385 pa

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Stranded passengers sa Pasay, 385 pa
Kabilang din sa locally stranded individuals sa VABES at PHILSCA ang mga may nakalaan nang tiket ng Cebu Pacific at Philippine Airlines na inindorso ng Department of Transportation.
Miguel de Guzman, file

MANILA, Philippines — Nasa 385 pa ang mga stranded na pasahero sa Pasay City na pansamantalang nananatili sa Villamor Airbase Elementary School (VABES) at Philippine State College of Aeronautics (PHILSCA), ayon sa lokal na pamahalaan kahapon.

Kabilang din sa locally stranded individuals (LSIs) sa VABES at PHILSCA ang mga may nakalaan nang tiket ng Cebu Pacific at Philippine Airlines  na inindorso ng Department of Transportation (DoTR).

Karamihan sa mga stranded ay papauwi sa Cotabato, Cagayan De Oro, Davao, Bacolod at General Santos.

Bukod sa Pasay LGU na nagsu­suplay ng pagkain at iba pang essentials, mara­ming ahensya ng national government at civil groups ang tumutulong sa pangangailangan ng LSIs.

Umapela naman si Pasay Mayor Emi Calixto-Rubiano sa mga wala pang siguradong flight schedule na huwag munang umalis sa kanilang tinutuluyan upang hindi na mahirapan dahil posibleng hindi na ma-accomodate sa VABES at PHILSCA.

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

PHILIPPINE STATE COLLEGE OF AERONAUTICS

VILLAMOR AIRBASE ELEMENTARY SCHOOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with