MANILA, Philippines — Sa kabila ng warning na ibinigay ng mga awtoridad natuloy din ang isinagawang kilos protesta na inaorganisa kasabay sa paggunita ng ika-122 taon ng Independence Day kahapon.
Mistulang ginawang grand mañanita para sa Pilipinas, na ayon sa organizers ay tugon sa banta ng mga awtoridad na hindi pinapayagan ang mga rali dahil sa COVID pandemic.
Naging theme sa isinagawang kilos protesta ang pagdiriwang ng kaarawan ni NCRPO chief Major General Debold Sinas habang ang Metro Manila noong nakalipas na buwan ay nasa ilalim ng mahigpit na community quarantine. Ginaya pa nga ng artist na si Mae Paner, ang suot ni Sinas sa kanyang mañanita party.
Sinunod naman ng mga raliyista ang health protocol sa social distancing.
Isa sa pangunahing giniit ng mga nagrali ay ang pagbasura sa anti terror bill na ngayon nga ay nasa lamesa na ni Pangulong Digong.