^

Metro

Lugar sa Navotas isinailalim sa 5-araw na lockdown

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Lugar sa Navotas isinailalim sa 5-araw na lockdown
Ayon kay Navotas City Mayor Toby Tiangco, sa pinakahuling tala ng City Health Department sa 14 na nagpositibo, 10 diumano ang magkakapamilya na dumalo sa isang selebras­yon noong May 19.
Michael Varcas, file

14 Residente nagpositibo sa COVID

MANILA, Philippines — Matapos na makapagtala ng 14 na positibo sa COVID-19, isinailalim sa limang araw na lockdown ni Navotas City Mayor Toby Tiangco ang kalye ng H. Monroy sa Brgy. Navotas West.

Ayon kay Tiangco, sa pinakahuling tala ng City Health Department  sa 14 na nagpositibo, 10 diumano ang magkakapamilya na dumalo sa isang selebras­yon noong May 19.

Masusi na itong pinapaimbestigihan dahil nasa ilalim pa ng MECQ (Modified Enhanced Community Qua-rantine) ang Metro Manila kaya bawal pa ang anumang pagtitipon. 

Nagsimula ang lockdown kahapon ng umaga na tatagal naman hanggang sa Lunes ng hatinggabi.

Paliwanag ni Tiangco, hangad ng mga patakarang pinaiiral na proteksyunan ang bawat isa. Ani Tiangco, sa pagsuway sa patakaran, nalalagay sa panganib ang buhay ng bawat isa. 

Kamakailan lang, 13 mag­­kakapamilya rin ang nagpositibo sa Brgy. Sipac, Brgy. NBBS Dagat-da­ga­tan, at Brgy. NBBS Kaunlaran.

LOCKDOWN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with