MANILA, Philippines — Mananatiling suspendido ang Unified Vehicular Volume Reduction Program o number coding scheme.
Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) spokesperson Assistant Secretary Celine Pialago, “until further notice” ang pagpapaliban ng number coding bunsod ng limitadong operasyon ng public transportation sa Metro Manila.
Paliwanag naman ni MMDA General Manager Jojo Garcia, ‘di pa naman aniya masikip ang daloy ng trapiko dahil sa umiiral na general community quarantine at bilang tulong na rin sa publiko na payagan muna ang pagbiyahe kahit coding ang kanilang mga sasakyan.
Ngayong limitado pa ang public transportation, hahayaan muna na magamit ng mga pribadong sasakyan ang kalsada hangga’t maluwag pa nang hindi nangangamba na sila ay mahuli.
Kung mas maluwag at walang number coding, mas magaan sa publiko na magtungo sa ibang lugar, lalo na sa mga nagtatrabaho.