^

PSN Showbiz

Willie namigay na naman ng isang milyon

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon
Willie namigay na naman ng isang milyon
Willie
STAR/ File

Naging barometro ng maraming personalidad ang Tutok To Win ni Willie Revillame na sa kabila ng lockdown ay nagpatuloy pa rin sa pagpapasaya sa ating mga kababayan.

Napapanood sa GMA-7 ang programa, pero nadagdagan ng iba pang mga paraan para ‘yun matunghayan--Facebook, YouTube at Twitter.

Kung kinaya nga naman ni Willie ang ganu’n ay bakit hindi rin magagawa ng ibang network? Binubulabog ng Tutok To Win ang mundo ng teknolohiya, milyun-milyon ang tumututok sa kanya sa social media, hindi na nila masyadong inaalala ang rating sa telebisyon dahil wala naman siyang kalaban.

Sa hirap ng buhay ngayon ay napakalaking biyaya ang mga ipinamimigay na papremyong cash ni Willie. Limang libo, sampung libo, limampung libo at sa kanyang pang-Sabadong programa kagabi ay namahagi pa siya nang isang milyong piso na hinati-hati para sa masuwerte niyang tagasubaybay sa pakikipagtulungan ng Shopee.

Natural lang na maging maligaya si Willie Revillame sa mga panahong ito dahil nakatutulong siya at nakapagpapasaya ng mga kababayan nating hindi niya naman personal na kilala na wala siyang hinihintay na anumang kapalit sa mga ginagawa niyang kabutihan sa kanyang kapwa.

Protesta sa amerika, sinalihan ng mga sikat!

Sa lahat ng mga tagapamuno ng mga bansa sa buong mundo ngayon ay naipon ang lahat ng problema kay President Donald Trump ng Amerika.

Ang nasabing bansa ang mayhawak ng pinakamalaking numero ng mga biktima ng ­CO­VID-19. Bagsak na bagsak ang kanilang ekonomiya. Maraming pulitikong kumokontra sa kanyang pamamalakad.

Pero ang pinakamatinding problemang kailangang mapantayan ngayon ng solusyon ng kanilang pangulo ay ang malawakang protestang nagaganap dahil sa pagkamatay ng African-American na si George Floyd.

‘Yun ang naging hudyat para mapuno ng mga raliyista ang mga kalye sa halos lahat ng lugar sa Amerika. Malaki na ang sunog, hindi na ‘yun kayang patayin lang ng mga bumbero, dahil kahit ang mga Puti ay nakikilahok na rin sa protesta ng mga Itim.

Ang pinakahuling personalidad na lumutang para kondenahin ang racial injustice at police brutality sa kanilang bansa ay ang NBA basketball legend na si Kareem Abdul Jabbar.

Sa kanyang mahinahon pero emosyonal na pahayag ay sinabi ng NBA Hall Of Famer na hindi mamamatay sa COVID-19 ang kanyang mga kalahi kundi sa racial virus.

Sobrang nakakatakot na raw para sa kanilang mga Black American ang mga nagaganap ngayon. Sunud-sunod na ipinalabas sa CNN ang mga brutal na pagkamatay ng mga Itim sa mga kamay ng mga pulis na Puti.

Ang nakaimprenta sa kanilang suot na itim na t-shirt, “AM I NEXT?” Ayon sa basketbolistang hinangaan sa buong mundo nu’ng kanyang kasikatan ay hindi naman puwedeng magkulong na lang sila sa bahay habampanahon.

Isinisigaw nila ang racial injustice, kailangang solusyunan ang police bruta­lity, ang racial virus na laganap sa kanilang bansa ay mas masahol pa raw sa coronavirus na maraming buhay na ang nabuwis sa buong mundo.

Sa kanyang pagtatapos ay ipinahayag ng basketball legend, “There is only one race in the world where we all belong and that is the human race.

“Protect it regardless of gender, age, religion and most of importantly--color.”

Eksakli!

Jude estrada ibang klaseng sumuporta

Personal naming pinasasalamatan si Col. Jude Estrada sa kabutihan ng kanyang puso sa buong panahon ng lockdown. Walang palya ‘yun, tatlong buwan, palagi siyang nakakaalala.

Bukod sa ipinadadala niyang mga bangus na galing sa kanilang palaisdaan sa Zambales ay hindi matatawaran ang mga ginagawa niyang pangu­ngumusta sa araw-araw.

Ang materyal na bagay ay puwede nating bilhin, pero ang malasakit at pagmamahal ay hindi ibine­benta sa merkado, ‘yun ang meron si Col. Jude Estrada.

Nasukat namin ang kanyang kapasidad nang isang araw ay mamroblema kami nang matindi. Hindi dahil sa pera, hindi rin dahil sa pagkain, kundi tungkol sa isang bagay na kailangang-kailangan namin pero walang mabili sa kahit saan.

Isa lang ang kanyang sabi, “Sige, paiikutin ko ang mga tao ko, kapag hawak ko na, ipadadala ko na agad sa bahay n’yo.”

At nagtagumpay si Col. Jude Estrada! Hindi siya tumigil hanggang hindi dala-dala ng kanyang staff ang bagay na ‘yun na kailangang-kailangan namin.

Salve Asis, huwag ka nang magtanong kung ano ‘yun, basta ang importante ay hindi nawalan ng hope si Col. Jude Estrada na makapagpapahanap siya ng inilambing namin sa kanya.

Ha! ha! Ha! Basta, ikaw na talaga, Col. Jude Estrada! (Hehehe. Galing naman Nay ni Col. Jude. - Salve)

vuukle comment

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with