MANILA, Philippines — May bagong ruta na ipinagkakaloob ang Quezon City government sa kanilang “Libreng Sakay program” para sa mga commuters ngayong panahon na umiiral ang general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila.
Ang programa ay laan para sa publiko lalu na sa mga taga-QC na papunta sa kanilang trabaho at pabalik ng destinasyon.
“As we transition to GCQ, we have to assist the people to adjust to the new normal and that includes going back to work”, pahayag ni Mayor Joy Belmonte.
Ang lokal na pamahalaan ay naglaan ng 14 na bus na bibiyahe sa dalawang lugar na maraming stranded na pasahero.
“We recognize that a lot of people, mostly workers, are already returning to their offices but transport vehicles are few. We have to help augment,” pahayag ni Assistant City Administrator for Operations Alberto Kimpo.
Ayon kay Kimpo, habang ipinaiiral ang programa, kapag nasa bus, kailangang ipairal ang social distancing at iba pang kaukulang protocols.
“Our seats have been installed with markers to keep passengers apart. Wearing of proper face mask will be strictly observed and is expected of our passengers,” dagdag ni Kimpo.
Hiniling naman ni Belmonte ang pakikiisa ng publiko sa pagtupad sa mga guidelines na naitakda ng lokal na pamahalaan upang magkatulungan na maiwasan ang paglaganap ng COVID-19 sa QC.