LTO offices sa Metro Manila bukas na!

Ayon sa LTO, ipaiiral ng ahensiya ang ‘no mask, no entry’ sa ­alinmang tanggapan ng LTO at dadaan muna sa temperature scanner ang mga papasok.
Philstar.com/Irish Lising, File

MANILA, Philippines — Sisimulang buksan na ngayong araw ng Miyerkules ang mga tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) sa Metro Manila para sa mga motorista na kukuha ng lisensiya, magrerenew ng lisensiya at mag­rerehistro ng sasakyan makaraang ipatupad ng pamahalaan ang GCQ sa Kalakhang Maynila.

Ayon sa LTO, ipaiiral ng ahensiya ang ‘no mask, no entry’ sa ­alinmang tanggapan ng LTO at dadaan muna sa temperature scanner ang mga papasok.

Sinasabing 300 transactions lamang kada araw ang ipoproseso ng LTO bilang pagsunod sa protocols tulad ng social distancing at pagsusuot ng face mask.

Ipinagbabawal ng LTO na may kasama ang aplikante, bawal din magtungo sa LTO ang mga kukuha ng lisensiya at magrerehistro ng sasakyan na may edad 20 yrs old pababa at bawal ang mga senior citizens.

Kaugnay nito, hinikayat ng LTO ang mga motorista na mag online transactions na lamang sa LTO sa www.lto.net.ph para ma-priority sila sa proseso ng papeles.

Niliwanag ng LTO na ang lahat ng inabutan ng ECQ ay walang penalty license renewals at car registration at meron pa silang 60-day extension na makapag transaksyon sa LTO mula sa lifting ng MECQ.

Show comments