^

Metro

2 Chinese huli sa ‘underground clinic’ sa COVID

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
2 Chinese huli sa ‘underground clinic’ sa COVID
Ang mga nasamsam na medical supplies sa sinalakay na ilegal na clinic sa COVID kung saan dalawang Chinese ang dinakip.
STAR/File

MANILA, Philippines — Sinalakay ng mga tauhan ng Makati City Police ang isang klinika na nagresulta sa pagkaka-aresto sa dalawang Chinese national na kinabibilangan ng isang doktor na gumagamot  umano ng COVID-19 patients sa Makati City, kamakalawa ng hapon.

Inihahanda na ang kaukulang kasong isasampa sa Makati Prosecutor’s Office  laban sa mga suspek na kinilalang sina Dr. David Lai, 49, at Bruce Liao, alyas Songhua Liao, 41, kapwa residente ng  Unit-4D One Central Tower, Makati City.

Naganap ang raid dakong alas-3:30 ng hapon ka­makalawa sa Goldstar Medical Clinic and Pharmacy Corp. na matatagpuan sa Unit 501-506 5th floor, New Lasema Spa Building, Sampaloc Street, Makati City.

Sa ulat mula sa tanggapan ni P/Major Gideon Ines, ng Station Investigation and Detective Ma­nagement, nagsagawa sila ng inspeks­yon laban sa nasabing clinic matapos makipag-ugna­yan kay Felipe Albayda Jr., ng Makati Health Department Incident Ma­nagement Team Task Force COVID-19 kaugnay sa impormasyon sa nasabing establisemyento na may ilegal na aktibidad .

Nakumpirma rin na ang suspek na doktor ay naggagamot umano ng mga hinihinalang COVID-19 patients sa kabila ng kawalan ng lisensiya na magpraktis sa Pilipinas ng kanyang propesyon at kawalan pa ng permit to operate ng klinika.

Nang siyasatin ang klinika ay nadiskubre ang mga Rapid Test Kits para sa COVID-19 at iba pang medical paraphernalias kabilang ang swab sticks, vials at syringes at iba’t ibang kahon na naglalaman ng mga Chinese medicine na nasa capsule at tablet forms na pinaniniwalaang ipinuslit papasok ng bansa at hindi umano nakarehistro sa Food and Drug Administration (FDA).

May dinatnan pa ang mga operatiba na apat umanong pasyente at dalawang staff.

Naniniwala naman si Makati City Police Station chief, P/Colonel Oscar Jacildo na posibleng may kaugnayan ang operasyon ng nasabing klinika sa nadiskubreng underground clinic sa Fontana Leisure Park, sa loob ng  Clark Freeport Zone, sa Pam­panga noong Mayo 19, 2020.

Halos pareho umano ang operasyon ng dalawang underground clinic sa Fontana at sa Makati na posibleng iisa lang ang nagtayo nito at may iba pang mga nasa likod ng operasyon.

CHINESE NATIONAL

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with