Kapag nag-shift na sa GCQ ang Metro Manila
MANILA, Philippines — Nasa dalawa katao lamang ang papayagang lulan ng sasakyan sa ilalim ng modified coding system, na ipapatupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) posible sa darating na Hunyo.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia na layunin nito na ma- maximize ang paggamit ng pribadong sasakyan makaraan ngang napagkasunduan ng mayorya ng mga mayor na mapasailalim na ang Metro Manila sa general community quarantine sa pagpasok ng Hunyo.
“Ang idea po natin dito is para ma-maximize natin ang labas ng lahat ng sasakyan at matulungan din natin yung lack of public transportation,” dagdag pa ni Garcia.
“If ever coding kayo, at gusto niyo gamitin ‘yan (vehicle), baka puwede isabay niyo na ‘yung kapamilya ninyo, anak ninyo, asawa ninyo. Mag-isang sasakyan na lang kayo,” ayon pa kay Garcia.
Sa ilalim ng modified scheme, ang mga sasakyan na coding ay maaaring bumiyahe sa lansangan ng Metro Manila kung mayroon itong dalawang sakay.
Nilinaw din nito na ‘exempted’ ang medical frontliners sa modified number coding.