^

Metro

Modified coding system, ipapatupad ng MMDA

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Modified coding system, ipapatupad ng MMDA
Ayon kay MMDA Gene­ral Manager Jojo Garcia na layunin nito na ma- maximize ang paggamit ng pri­badong sasakyan makaraan ngang napagkasunduan ng mayorya ng mga mayor na mapasailalim na ang Metro Manila sa ge­neral community quarantine sa pagpasok ng Hunyo.
Boy Santos

Kapag nag-shift na sa GCQ ang Metro Manila

MANILA, Philippines — Nasa dalawa katao lamang ang papayagang lulan ng sasakyan sa ilalim ng modified coding system, na ipapatupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) posible sa darating na Hunyo.

Ayon kay MMDA Gene­ral Manager Jojo Garcia na layunin nito na ma- maximize ang paggamit ng pri­badong sasakyan makaraan ngang napagkasunduan ng mayorya ng mga mayor na mapasailalim na ang Metro Manila sa ge­neral community quarantine sa pagpasok ng Hunyo.

“Ang idea po natin dito is para ma-maximize natin ang labas ng lahat ng sasakyan at matulungan din natin yung lack of public transportation,” dagdag pa ni Garcia.

“If ever coding kayo, at gusto niyo gamitin ‘yan (vehicle), baka puwede isabay niyo na ‘yung kapamilya ninyo, anak ninyo, asawa ninyo. Mag-isang sasakyan na lang kayo,” ayon pa kay Garcia.

Sa ilalim ng modified scheme, ang mga sasakyan na coding ay maaaring bumiyahe sa lansangan ng Metro Manila kung mayroon itong dalawang sakay.

Nilinaw din nito na ­‘exempted’ ang medical frontliners sa modified number coding.

GCQ

MMDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with