MANILA, Philippines — Pinalawig pa ng Caloocan City Health Department ang total lockdown sa Barangay 12 hanggang Mayo 30 dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19 dito.
Sa huling datos mula sa City Heath Department, nasa 49 residente na mula sa Barangay 12 ang nagpositibo sa virus at nangangahulugan na sa kasalukuyan ay ang barangay na ito na ang may pinakamataas na kaso sa Caloocan City.
Habang nasa ilalim ng total lockdown ang barangay ay patuloy ang isinasagawang pagpaprayoridad sa mass testing at contact tracing sa mga residente sa lugar upang mapigilan ang pagkalat ng virus.
Tinitiyak din ni Mayor Oca Malapitan na ang Pamahalaang Lungsod ay house-to-house na namimigay ng relief packs para sa suplay ng pagkain ng mga residente.