MANILA, Philippines — Isang 37-anyos na pintor ang inaresto ng pulisya kahapon dahil sa umano’y panghihipo at panghahalay niya sa pamangkin niyang isang grade 7 student sa Tondo, Manila.
Sa ulat ni P/Major Rommel Anicete, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Manila Police District, ihahain sa Manila Prosecutor’s Office ang mga reklamong Rape at Acts of Lasciviousness in relation to Child Abuse laban sa suspek na si JayPee Aquino, alyas “JP”, may live-in partner at residente ng Barangay 226, Zone 21, Tondo.
Una nang nagsuplong sa MPD-Women and Children Protection Section ang biktima hinggil sa panggagahasa sa kanya ng suspek noong Pebrero 15, 2020 sa loob ng kanilang bahay na nasundan pa ng ilang beses.
Nang matapos na ang imbestigasyon at documentation, sinundo ng mga pulis ang biktima at guardians nito sa kanilang bahay nang marinig ang komosyon.
Sa pagtungo ng mga pulis, narinig nila ang komosyon at nilapitan sila ng kapatid na babae ng biktima at itinuturo ang kanilang bahay.
Sa labas ng bahay ay malakas ang pagsigaw ng biktima na muli na naman siyang minolestiya ng suspek at mismong tatay at kapatid na lalaki ng biktima ang umaresto sa suspek at ipinasa sa mga pulis.
Batay sa genital examination, nakita sa hymen ng biktima ang malalim at naghilom na laceration o hiwa sa ‘ 6 and 9 o’clock position’, indikasyong may rape na naganap sa biktima.